NINA "If you are pulling my leg, I swear to --" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na s'ya ulit. "Don't use the Lord's name in vain." Inisang lagok n'ya ang tubig habang nakatingin sa akin. "You look prettier without make up but you should at least comb your hair. Come out to the den when you're properly dressed." He smirked then went out using the sliding door. Nananaginip ba ako? Napasobra naman yata ang bangungot ko ay naconjur ko si Vladimir Garrido dito sa kusina namin. Pambihirang buhay ito. Kay aga-aga ay nasermunan na kaagad ako. At hindi lang 'yon -- unang papuri na mula sa kanya, naging bato pa! Pero in fairness, na-amaze ako sa pagiging kalma n'ya tungkol sa sinasabi n'yang kasal. Maybe he remained calm para magmukhang believable ang istorya n'ya. It can