WINTERVALE VILLAGE | MANILA NINA Nakatilhay akong pumasok sa bahay namin. Time check: ala una y media ng madaling araw. Galing ako sa birthday party ni Michelle. I know Papa has a strict curfew pero ayaw ko naman na magmukhang killjoy sa mga kaibigan ko. Besides, it's not like we are doing anything wrong. Mukha lang mga lukaret ang mga kaibigan ko pero sa totoo lang ay intact pa ang mga puri namin. Si Michelle ay nakadalawang nobyo na. Si Maristella ay tatlo. At si Joan ay isa. Lahat sila ay loveless ngayon at iisa ang dahilan -- ayaw nilang makipag-s*x sa mga boyfriend nila. As for me, I know I have quite a reputation at Somerset University. Kesyo lahat ng lalake ay naging boyfriend ko na doon. Ang totoo n'yan, marami nga akong naka-dinner. Why would I say no to free food? But that do