ODESSA I PURPOSELY WENT to the cafe across from the penthouse so I can get a glimpse of Gabriel. Instead, I saw Delta. Seriously, can that woman be more irritating? Tinanong pa ako kung bakit wala ako sa cremation ni Carmen! Hindi ko naman kaano-ano ang babaeng ‘yon. Pakialam ko sa kanya? Handa nga s’yang ipagbili ako kay Marcus. Tsk! Ganoon na ba kaliit ang halaga ko sa kanya at dahil inubos ni Dad ang pera n’ya ay ako ang kapalit? Punyeta s’ya! Dapat lang sa kanyang mamatay. Ang hindi n’ya alam, pinagbalakan kong putulin ang break ng sasakyan n’ya. Pero alam mo naman, ang masamang damo kahit gaano pa katagal ang buhay ng mga ‘yan, may hangganan rin. Tadhana na rin ang sumingil sa kanya. Nang mabalitaan ko na nabangga s’ya ay nagbalot na ako ng gamit ko at pumunta kay Marcus. I have b