CHAPTER 22: ISANG VIDEO KASAMA ang isang babae ang ipinakita kay Lindsay. Sigurado si Lindsay na siya iyon, inabutan niya ng bayad ang babae at saka ito umalis. She remembered the night she ordered something, she can't really remember. “Delivery girl ‘yan,” paliwanag ni Lindsay. “I forgot what I bought that night, pero hindi ko talaga magagawang bayaran si Jessica. Do you have any other evidence?” Nag-angat ng tingin si Lindsay kay Paxton at Arthurito pero mas itinuon niya ang pansin sa lalaking nag-aakusa sa kanya. “Here’s the transaction that Jessica sent to us, sinendan mo siya ng pera.” Inabot pa ni Arthurito ang cellphone niya at ipinakita kay Paxton. “You can see her name and her bank account number there.” Bahagya natawa si Lindsay na naging dahilan para mapatingin silang lahat