CHAPTER 21: MATAPOS ANG PAKIKIPAG-USAP nila kay Bob Hillary, naiwan si Lindsay at Paxton sa loob ng meeting room. Ilang minuto na rin silang naroon, parehong hindi makaimik, hindi makapaniwala sa narinig. “Can you believe that someone in my company did that?” Paxton turned his head to Lindsay. Naabutan niya itong kinakagat ang mga kuko habang nakatitig sa kawalan. “I don’t know Paxton. I don't know why he or she did that, I can’t figure out the reason.” Nag-angat ng tingin si Lindsay sa kanya saka itinigil ang pagkagat sa kanyang mga kuko. “May naiisip ka bang pwedeng gumawa nito?” Umiling si Paxton dahil maging siya ay hindi rin mahulaan kung sino ito. Wala siyang maisip na dahilan dahil lahat naman ng empleyado niya ay maayos at imposibleng gawin iyon sa kanyang kumpanya. “Huwag ka