CHAPTER 2:

1034 Words
CHAPTER 2: "JACK SPENCER LOPEZ!" Muli na namang umalingawngaw ang boses ni Lindsay sa loob ng editorial department team. Ilang araw lang ang nakalipas, ito na naman at nagagalit na naman siya. Sa pagkakataong ito, hindi na alam ni Spencer kung ano ang dahilan kung bakit nagagalit ang matandang dalaga. Wala siyang natatandaang kahit anong kalokohang pwedeng nagawa niya nitong nakaraang araw. Ang totoo niyan, pinilit niyang magpakabait. Baka kasi kapag ginalit niya nang ginalit itong si Lindsay, atakihin na lang bigla sa puso—hindi pa tapos ang misyon niya kaya't hindi maaaring mamatay na lang ito nang gano'n gano'n lang. Pero mukha yatang mainit talaga ang dugo ni Lindsay sa kaniya, na kahit nagpakabait na siya nang husto, talagang nahanapan pa rin siya ng butas. "Bakit po?" Inosenteng tumayo siya mula sa swivel chair. Bubulong-bulong na ngayon ang kapwa junior editor niyang si Miru. Hindi niya maintindihan ang tila bubuyog na pagbulong ng mga ito at wala rin naman siyang pakialam. Iisa lang naman kasi ang madalas na ipinapaalala nito sa kaniya—ang magpakabait para magtagal sa kumpanya. Well, nakadalawang buwan naman siya. At sa loob ng dalawang buwang iyon, siguro isang linggo lang kung bibilangin sa daliri ang mga araw na hindi siya napagalitan ni Lindsay. Favorite talaga siya nito kahit kailan, favorite pagalitan! "Halika nga rito, do'n tayo mag-usap sa labas at nabubwiset na talaga ako sa 'yo. Ako na lang ang nahihiya sa mga katrabaho mo e." Kakamot-kamot sa ulong sumunod naman siya kay Lindsay. Noong unang beses na pinagalitan siya nito, natakot pa siya kasi baka hindi siya magtagumpay sa plano niya. Na baka patalsikin siya sa trabaho. Ngunit nang malaman niyang hindi naman talaga tinatanggal ni Lindsay sa trabaho ang mga naipapahiya niyang empleyado, roon na lumakas ang loob niya. Kung tutuusin, hindi si Lindsay ang boss niya kaya naman wala itong karapatan na patalsikin siya sa trabaho. Kampanteng sumunod siya sa padabog na paglalakad ni Lindsay. Mula sa likuran ni Lindsay, kitang-kita niya ang pag-indayog ng malapad na balakang nito. Bakat na bakat ang matambok na pang-upo ng dalaga lalo na't hapit na hapit ang suot nitong kulay itim na pencil cut skirt. Hanggang tuhod lang din ang haba nito kaya naman kitang-kita ang makinis na binti. Hindi niya pa na-e-enjoy ang natatanaw nang biglang humarap si Lindsay. Mabilis na inangat din niya ang tingin sa nakabusangot na mukha ni Lindsay. "Anong tinitingnan mo r'yan?" taas-kilay na tanong nito sa kaniya. Marahas na napalunok siya at mabilis na umiling. "W-wala po akong tinitingnan, n-nakayuko lang ako." Umirap ito at ikinrus ang mga braso sa ibabaw ng malulusog na dibdib. Mas lalong napalunok si Spencer nang mapansin iyon. Nakasuot naman ito ng blazer pero halata pa ring malaki ang pinagmamalaking hinaharap ng matandang dalaga. "Nananadya ka ba talaga?" mariing tanong ni Lindsay. Pilit niyang itinuon ang tingin sa galit na mukha nito. Kasalukuyang nasa kitchen area sila, walang tao ngayon dahil mamaya pa ang lunch break. "Ano po bang ginawa ko?" takang tanong niya. Hindi niya naman kasi talaga alam kung ano ang nagawa niya ngayon. "Inutusan kita kanina, ang sabi ko, palitan mo na ang e-mail address na ginagamit natin sa pag-se-send ng message sa mga authors," mahinahong sabi nito pero halatang nanggigigil. "Ma'am, I was about to do that—" "Dalawang oras na ang nakalipas mula no'ng sinabi kong palitan mo, pero hindi mo pa rin napapalitan!" sigaw ni Lindsay. Napapikit pa siya dahil sa lakas ng sigaw nito. Nakakatanggal tutuli ang lakas ng boses ng babaeng 'to. Hindi niya alam kung paano nagustuhan ng Kuya niyang si Julius ang malditang managing editor ng kumpanyang 'to. Kung sa ganda at katawan lang naman, okay na okay si Maria Lindsay. Pero sa pag-uugali, masahol pa sa demonyo. "Ma'am, sa pagkakaalam ko po, marami pa ho kayong ipinasang trabaho sa akin—" "Aba! Nagrereklamo ka? Ang lahat ng pinapasa ko sa 'yo ay trabaho mo talaga. Wala akong iniutos sa 'yo na hindi mo trabaho. You are so slow and always late! What the heck? I can't believe that I chose you on the interview. You lack everything—" Kung ano-anong masasakit na salita ang pinagsasabi sa kaniya ni Lindsay. Ngunit ang lahat ng iyon ay pumapasok lang sa kabilang tenga niya at lalabas din sa kabila. Sanay na sanay na siya sa lahat ng mga sinasabi nito. . . Habang dakdak nang dakdak si Lindsay, napagtanto niyang walang tao sa loob ng kitchen area. At dahil walang tao, malaya silang gawin ang lahat ng gusto nila nang walang makakakita. Napatitig siya sa galit na mukha ni Lindsay. Sa mapupungay nitong mga mata, sa matangos nitong ilong at sa. . . full lips nitong parang ang sarap. . . halikan. "Hindi ko alam kung ano pa bang hinihintay mo para lang umalis ka na sa kumpanyang 'to—" Hindi na napigilan ni Spencer ang kaniyang sarili. He leaned forward to Lindsay, caughte her wrist then pull her and kissed right on her full lips. Lindsay stopped, her eyes widened. Hindi pa nakuntento si Spencer, pumikit pa siya at hinawakan ang likod ng ulo ni Lindsay. Her lips tastes good just how it looks like. Soft. . . While Lindsay's heart is racing, he was enjoying the kiss. And when he was about to move his lips, Lindsay pushed him harshly! "A-anong—w-what—f**k!" uutal-utal na mura ni Lindsay. Nagmura si Lindsay, and that was so sexy! Iyan ang nasa isip ngayon ni Spencer. "Virgin ka pa ba, Ma'am?" Spencer smirked. "I guess the answer is yes." Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Lindsay, walang humpay ang pagkabog ng dibdib niya at unti-unting nakaramdam ng init sa buong mukha! Galit siya ngayon, gusto niyang sampalin ang lalaking kaharap niya pero hindi niya magawa. Nanginginig ang buo niyang katawan sa sobrang galit. "Ngayon alam ko na kung bakit galit ka palagi sa 'kin. Gusto mo 'ko, 'no?" Spencer teased her and that made Lindsay mad at him even more. "Hindi mo alam ang sinasabi mo! How dare you k-kiss me?!" "Daldal ka kasi nang daldal, Ma'am. Nakakaakit ka kapag ang ingay ng bibig mo. Gusto ko pa naman 'yong mga maiingay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD