CHAPTER 3:
KANINA PA TULALA si Lindsay habang nanunuod ng telebisyon. Romance movie ang pinapanuod niya at hindi niya mawari kung bakit iyon ang naisipan niyang panuorin gayong hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin ang halik na iginawad sa kanya ni Spencer. The scene was a hot and intense kissing scene under the shower and she can’t help but to remember the way Spencer swiftly pulled and kissed her right on her lips.
She scooped another spoonful of vanilla ice cream on the tub and put it in her mouth causing her to imagine how his lips taste. Does it taste sweet?
“Punyemas na bata ‘yon!”
Padabog na bumangon siya mula sa pagkakahiga sa sofa saka padarag na ibinagsak ang tub ng ice cream sa lamesang katapat ng sofa. Kung kanina’y tulala siya habang ini-imagine ang labi ni Spencer, ngayon naman ay ang galit niya para dito ang kanyang naalala. Ilang beses siyang napamura sa inis. Sino ba namang hindi maiinis kung bigla ka na lang hahalikan at sasabihang virgin?
For pete’s sake! Hindi na virgin si Lindsay, wild pa nga sila kung mag-s*x ng ex niya! But that was ages ago and she couldn’t even remember how it feels like to have s*x. Kasalanan itong lahat ng Spencer na iyon! Kung hindi siya nito hinalikan, edi sana hindi siya napa-praning nang ganito. Bata pa nga talaga ang lalaking iyon, sa tingin niya’y kaya siya nitong paamuin dahil lang hinalikan siya at inakit-akit? Pwes! D’yan siya nagkakamali.
Tuluyang pinatay ni Lindsay ang telebisyon dahil hindi niya na nagugustuhan pa ang mga sumunod na eksena. Kaagad siyang dumiretso sa may treadmill na naroon lang din sa gilid ng T.V.
Lindsay is wearing a black sports bra and leggings, ganito siya kung manamit sa loob ng kanyang bahay. Wala siyang pakialam, kahit minsan ay nakahubad pa nga siyang ikot nang ikot sa buong bahay. That’s because no one visits her in her house kaya malaya siyang gawin ang lahat ng gusto niya.
Kaagad niyang in-on ang treadmill nang maka-tayo na siya roon. Mula sa mabagal ay nag-umpisa itong umandar, at siya naman ay lumakad. He was breathing heavy, inis na inis siya at kailangan niyang ibaling sa ibang bagay ang lahat ng iniisip niya. Kung hindi ay baka sumabog na siya sa inis. Ang nakakainis pa rito, kahit na naiinis na siya’y hindi mawaglit sa isip niya ang halik na iginawad sa kanya ni Spencer.
Kinabukasan, dahil hindi nakatulog nang maayos si Lindsay, nakabusangot na naman siyang pumasok sa opisina. Nagbubulong-bulungan na naman ang mga katrabaho niya na inismiran niya lamang. Wala naman siyang pakialam sa pinagbubulungan nang mga iyon, for as long as nagagawa nila ang kanilang trabaho. Wala siyang pakialam kung mga likas na tsismosa ang mga katrabaho niya!
Dumiretso siya sa pinakasulok kung saan naroon ang kanyang lamesa. Kumpara sa dikit-dikit na lamesa ng mga editors sa loob, na lima lang naman sa team niya at pang-anim siya, wala siyang katabi. Isang dipa yata ang layo niya sa susunod sa kanyang lamesa na si Patty na halos kasabayan niya lang din na nagtrabaho rito sa kumpanya. Patty is one of the senior editors of their team.
Sa loob kasi ng kanilang kompanya, iba-ibang department ang may hawak ng bawat genres. At ang hawak ni Lindsay ay romance at erotica. May dalawang senior editor, si Patty at Greco. Habang ang mga junior editors ay sina Miru, Bea at s’yempre, si Spencer na bagong dating lang pero ang sarap nang bigwasan.
Pagkaupo ni Lindsay sa kanyang lamesa, kaagad niyang binuksan ang kanyang PC pagkatapos ay binuksan ang maliit na drawer sa ilalim ng lamesa. Kumunot ang noo niya nang makitang mayroong strawberry lollipop na naroon, may kasama pa itong card. She took it out and read the message written in there—would you like to taste my lollipop?
Kaagad niyang nabitiwan ang card nang mabasa iyon. Tinubuan siya ng kaba at panginginig sa katawan lalo na nang pumasok na sa loob ng kanilang opisina ang nakangising si Spencer. Her eyes widened when she saw him winked at her then walked sexily towards his seat. Halos malaglag ang panga niya sa ginawa ng binata. Teka nga, inaakit ba siya nito? At siya ba ang naglagay ng lollipop sa drawer niya?
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, gusto niyang sumabog. Gusto niyang puntahan si Spencer at sampalin upang tuluyang gumising sa kahibangan nito. Nanginginig ang mga kamay niyang nakapatong sa lamesa. Ang aga-aga pero ito na naman siya at kaunting pitik lang ay bubuga na naman!
“Lindsay, iyon palang final manuscript ni Hyung-nim. . .”
Kaagad niyang isinara ang drawer kung saan naroon ang lollipop at card nang lapitan siya ni Patty. Nang mag-angat siya nang tingin ay nakangiwi si Patty at mukhang nagtataka sa kanyang reaksyon.
“S-salamat,” uutal-utal na tango. “I-che-check ko na ngayon, I will review it once again and will send it to the publishing department afterwards.”
Nag-aalangang tumango rin si Patty saka bumalik sa sarili niyang lamesa. Hinintay niyang mawala na ang atensyon ni Patty sa kanya bago siya huminga nang malalim para maibsan ang kaba na kanyang nararamdaman.
Hindi siya dapat nagpapadaig sa mga pang-aakit na ipinapakita sa kanya ni Spencer. Hindi maganda ang kalalabasan kung magpapaakit siya rito. Kailangan niyang gumawa ng paraan para mapatalsik si Spencer sa lalong madaling panahon!
Tapos na ang oras ng trabaho at nagsisi-alisan na ang mga editors sa loob ng kanilang department. Lindsay is still busy proofreading and revising the last manuscript of Hyung-nim para ma-i-diretso na iyon bukas sa publishing department. And because she was too busy, she didn’t realize that everyone left aside from her.
Hindi niya rin naramdaman na may lumapit sa kanya, kung hindi pa nito ipinatong ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng lamesa at halos idikit na nito ang katawan sa kanya, hindi niya pa ito mapapansin.
“What the heck?” she asked.
Kaagad niyang nilingon kung sino iyong nasa likuran niya at halos mapatalon siya sa gulat nang maabutan ang nakangising si Spencer. Halos magdikit na ang tungki ng kanilang ilong dahil sa lapit nito sa kanya.
“I’m waiting for your answer, Miss Lindsay. . .” he whispered, erotically.