CHAPTER 15: ITINULOY NI SPENCER ang panliligaw kay Lindsay, just like his new plan. Noong una kasi, ang plano niya lang talaga ay akitin at paasahin. Pero dahil hindi naman iyon umeepekto kay Lindsay, naisipan niyang ligawan ito at mas palalimin pa ang namamagitan sa kanilang dalawa para mas maging masakit ang pagbagsak ni Lindsay. Tahimik ang lahat dahil mas marami kumpara last month ang manuscript na nasa kanila ngayon. Lindsay invited almost ten writers to write on their platform at ngayon nga ay nag-submit na ang mga ito. Habang si Patty at Greco naman ay abala sa mga bagong manuscript na ini-le-layout matapos i-edit ni Spencer, i-copy edit ni Bea at i-proofread naman ni Miru. Limang manuscript na ang nagawa nila ngayong Linggo at medyo nananakit na ang ulo nilang anim. Lindsay stoo