CHAPTER 16: NANGGAGALAITI SI LINDSAY habang tinitingnan si Spencer na mukhang nag-e-enjoy rin sa pasimpleng hampas at haplos ni Seeyaaah sa balikat at braso nito. Kanina pa naghuhurumintado ang puso niya sa inis, nanginginig na rin siya at tila nanlalaki ang ulo dahil sa nararamdaman. Gusto na niyang batuhin ng ballpen na kanina niya pa pinaglalaruan iyong mga mata ni Seeyaaah pero pilit niya lamang pinipigilan ang sarili. Kailangan niya pang ipaalala sa kanyang sarili na hindi pa pala sila, hindi niya pa sinasagot si Spencer at wala rin namang nakakaalam na nililigawan siya nito kaya wala siyang choice kundi ang tiisin ang inis niya. Ang isa pa niyang ikinagagalit, e ‘yong tila kinikilig din itong si Spencer. Akala niya ba nanliligaw ito sa kanya? Bakit kinikilig pa sa ibang babae? Naka