CHAPTER 11: MADALAS NA NAKABUSANGOT na talaga si Lindsay pagpasok pa lang niya ng opisina, ngunit ngayong araw ay iba ang kanyang timpla. Hindi siya kumikibo, kahit na nagkamali si Bea, hindi niya iyon pinansin. Ang buong team nila ay kinakabahan na kung bakit nagkakagano’n ang inaasta ni Lindsay. Ala-una ng hapon nang lumapit si Patty kay Lindsay. Naglapag siya ng isang maliit na paperbag at bottled water sa lamesa niya. “Ano ‘yan?” Huminto si Lindsay sa pagtitipa sa kanyang PC saka nag-angat ng tingin kay Patty. “Gamot, nilalagnat ka yata,” sagot nito. Lindsay shook her head then turned her attention to PC. “Wala akong lagnat, wala lang ako sa mood.” “Talaga ba?” Sinubukan pa ni Patty na hawakan ang kanyang noo pero hindi nga ito mainit. “Uminom ka lang ng tubig para kahit papaan