CHAPTER 12: KAHIT MALAKING TAO si Spencer, walang kaabog-abog na kinaladkad siya ni Lindsay palabas ng private room kung saan naroon si Seeyaaah. Hindi naman nakapalag si Spencer dahil dire-diretso na siyang hinatak nito. Nang makalabas sila ay kaagad na umayos si Spencer sa pagkakatayo maging ang kwelyo ng suot niyang puting polo ay inayos niya rin. “Ano bang problema mo?! Nakita mong kagagaling lang sa operasyon no’ng tao tapos pagsasalitaan mo nang gano’n?” iritang bulyaw ni Lindsay. “Can’t you see, she’s depressed!” Napasinghap si Spencer. “Totoo ba ‘yang pag-aalala mo sa kanya? Ikaw? Nag-aalala?” Natigilan si Lindsay, kumunot ang noo saka napatitig sa mga mata ni Spencer. She can see the wide anger through his eyes. Para bang galit ito sa kanya at hindi para kay Seeyaaah. “Jack