Kabanata 26 Hinakbang ko ang mga paa palabas nang aking Silid. Sandali ko pang ang aking naging kwarto sa loob nang Ilang buwan bago ko ito talikuran. Patay na ang ilaw sa kabahayan nang bumaba ako nang hagdan. Kaya lumuwag ang paghinga kong hinakbang ang hagdanan pababa. Ilang hakbang nalang ay malapit na ako sa Malaking pinto nang biglang may nagsalita mula sa likod ko. "Where do you think you're going?" Mahina pero may diin niyang sinabi, tila nanigas ako sa pagkakatayo nang makilala ang boses nito. Rinig ko rin ang pag lagay niya nang yelo sa baso, indekasyon na umiinom ito.. Pumihit ako paharap dito diretso sa Sofa kung saan ito naka upo, tanging silhouette lamang nito ang nababanaagan ko habang ako ay nasisinagan nang bahagyang liwanag na nagmumula sa glass wall. Marahan nito

