Kabanata 25 Bago ako umuwe ay nag iwan ako nang pera na tulong para sa burol ni Tiyang. Hindi kasi ako pwedeng hindi umuwe gayong wala akong dalang cellphone, Isa pa may hindi kami pagkakaintindihan ni Damian. Ayokong namang mag isip siya nang hindi maganda saakin. "Magandang gabi ho.." Bati ko kay Manang Olga na na abutan kong nagliligpit nang pinagkainan. Napansin kong dalawa ang plato roon, ibig sabihin ay nandirito na rin si Zandro. "Saan kaba galing?" Tanong nito. "Ah, umuwe ho ako saamin." Sabi ko na tangka na itong tatalikuran nang magsalita. "May bahay ka pala? Eh bakit bumabalik kapa dine?," Hindi ko nalang sinagot ang sinabi niyang iyon Imbes ay umakyat na ako sa sariling Silid para maligo. Hinanda ko ang sarili sa pagtungo sa kwarto ni Damian para ito kausapin. Ilang mi

