KABANATA 6

3100 Words

Kabanata 6 Gumising ako kinabukasan na masama ang pakiramdam. Kung pwede lang sanang matulog nalang ako maghapon ay gagawin ko ngunit hindi maari. Pinilit kong bumangon nang madaling araw. Kinatok ang silid ni Tiyang na mukang tulog pa rin hanggang ngayon. Sinulyapan ko ang wall clock at pasado alas dos na nang madaling araw. "Tiyang?" Tawag ko sa pagitan nang pagkatok. Ngunit hindi ito sumasagot. Bahagya akong umubo dala nang masamang pakiramdam. "Tiyang tara na po?" Muli kong tawag ngunit wala pa rin itong sagot. Minabuti kong ako nalang ang magtinda ngayong araw, dahil kung hindi ko gagawin ay malamang pagalitan lang ako nito. Tumulak ako patungong palengke. Hindi ko nalang pinansin ang sama nang pakiramdam ko, pinilit ko rin siglahan ang katawan para maka hila nang mga parokyano.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD