Kabanata 7 Bitbit ang mga niluto kong tanghalian ay dumiretso na ako sa presinto para bisitahin si Tiyang. Naabutan ko na doon si Kuya Leo na masinsinan itong kinakausap. "Magandang tanghali ho Tiyang." Magalang kong bungad sa mga ito. "At ano naman ang maganda sa tanghali aber?!" Pinaningkitan lang ako nito ng mata. "Nagdala ho ako nang tangahalian n'yo," wika ko na hindi nalang pinansin ang sinabi nito. "Hoy ikaw, bakit hindi mo sinabi ng mas maaga sa'kin na galing na pala doon si Godang?!" Labas ang litid nito habang nakatingala saakin. "Pasensya na ho tiyang, wala ho kasi kayo maghapon. Isa pa gabi na kayo nauwe–" "Ah basta, kung hindi ka tatanga-tanga eh may cellphone ka naman diyan bakit hindi ka man lang nag-text!" Putol nito sa iba ko pang sasabihin. "Pasensya na ho wala