KUMUNOT ang noo ni Nick nang pagbaba niya sa lobby kasama ang nobya ay ipinapasok sa entrance ang ilang bulaklak pampatay. Marahan niyang hinatak si Soffie papalapit sa mga kalalakihang nagpapasok nito sa loob. “What the hell is that? And where do you think you can place them, huh?” Iritable siyang tumingin sa isang lalaki. Apat ang kalalakihang ito, ngunit hinayaan lamang ng guwardiya sa entrance. Hindi niya alam kung paano at bakit. Binundol ng kaba ang isang lalaking kaniyang tinignan nang masama. Napakamot ito sa batok. “Pasensiya na, Mr. Alvarez. Pinadala po ito ni Mr. Sandoval. Napag-utusan lang po kami.” Naikuyom niya ang kamao sa galit, matapos ang narinig. Humigpit ang pagkakahawak niya sa palad ng nobya. Naramdaman niya ang panginginig ng palad nito. Soffie was shaking becaus

