INIHINTO ni Nick ang sasakyan sa tapat ng nadaanan nilang convenient store. Siya na lamang sana ang bababa ng sasakyan upang bumili ng inumin ng nobya, ngunit nagmatigas itong bumaba. “You stubborn, I said stay inside.” Malalim siyang napabuntong hininga. Ginagap niya na lamang ang palad nito at saka inayang pumasok sa loob. Binilhan niya na rin ito ng maaring kainin sa loob ng sasakyan dahil tiyak siyang maiinip at magugutom ito sa traffic. Kaagad din silang lumabas ng tindahan at naglakad pabalik sa sasakyan. “Sandali, Nick.” Mabilis na bumitaw sa kaniyang pagkakahawak si Soffie at tumakbo. Nagulat siya sa ginawa nito. “Soffie! Damn!” Hinabol niya ito at nakahinga siya nang maluwag nang makitang nilapitan lamang nito ang isang babeng nakaupo sa gilid. Hawak-hawak nito ang sintido at

