NAALIMPUNGATAN si Soffie nang maramdaman niya ang mumunting halik sa gawing kanan sa kaniyang leeg. Pagmulat niya ng mga mata ay ang nobyo ang nakita. Nakapangibabaw ito sa kaniya at hubo na ang pang-itaas. Muli siyang pumikit upang sandaling pagpahingahin ang mga mata. “Good morning,” paanas na wika ni Nick at mabilis na nagnakaw ng halik sa kaniyang mga labi. He bit her lower lip and tasted it. “Good morning.” Napangiti siya at nagmulat ng mga mata. Ipinulupot niya ang mga braso sa leeg nito at hinayaan ang nobyo na ipagpatuloy ang pangroromansa. Nagsimulang mag-init ang kaniyang buong katawan dahil masuyo nitong mga halik. Sa kaniyang palagay ay alas quatro pa lamang ng umaga. Sanay na siyang ganito si Nick sa umaga. It is his ‘morning wood’ when he wakes up. Talagang hindi nito nap

