DINALA ni Nick ang nobya sa isang liblib na lugar. Isa ito sa kaniyang mga rest house na hindi nakapangalan sa kaniya at matagal niya nang hindi napupuntahan. Wala ring tumatao rito kaya naman maalikabok na ang paligid. Maigi na lamang at may tabing na puting mga tela ang mga kagamitan. Dito niya naisipang dalhin si Soffie dahil tiyak siyang dito ito magiging ligtas. Kung sakali mang hanapin sila ng kalaban ay mahihirapan itong matunton sila dahil ang property ay wala sa kaniyang pangalan o kung sino man sa kaniyang kamag-anak. Sinadya niyang gumamit ng ibang katauhan nang bilhin ito. It’s one of his way to trick his enemies. He has to be smarter than anyone. “Hindi ba pupunta rito sina Luke? Bakit tayo lang ang narito?” alalang tanong ni Soffie. Hindi ito mapakali sa kinauupuan. Pinagku

