NAPANGITI si Soffie habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. She’s like a goddess with her golden evening gown. Ganoon din ang kulay ng suot niyang guwantes na mahaba, at isang maliit na korona na nasa ibabaw ng kaniyang ulo. Naiiyak siya na hindi maipaliwanag. Tila naglaho ang umbok ng kaniyang tiyan sa buka ng suot na gown. Kumikinang ito kahit saan niya tignan. It was so beautiful. Even the style and how it was perfectly designed were fabulous. Si Chelsea mismo ang namili nito para sa kaniya at kaagad niya itong nagustuhan. Hindi na siya nagdalawang isip pa at ito ang napili. “You’re so pretty,” wika ni Nick na naglakad papalapit sa kaniya. Bihis na bihis na rin ito at talagang napakagwapo sa suot na tailcoat tuxedo. Litaw na litaw din ang kulay nito sa itim. He’s like a p

