NAMILOG ang mga mata ni Soffie nang makita ang isang lalaking diretsong nakatayo sa gitna ng bulwagan. Ang lahat ay nagsiyukuan dahil sa baril na itinutok ni Nick, subalit iba ito. Napalunok siya ng sariling laway nang makilala ang lalaki. “Ikaw...” bulalas niya na tila wala sa sarili. Nabuo ang napakaraming katanungan sa kaniyang isip. Paanong sa dinami-rami ng tao sa mundo ay nagkataon na kilala niya ang lalaking tinatawag ng lahat na Supremo. “Ikaw si...” “Alexander,” banggit ni Nick sa pangalan ng lalaki. Nanatiling nakatutok ang hawak na baril dito. “You fooled us.” Nagtangis ang bagang nito sa galit. Inasahan na ni Nick na makikita ngayong gabi ang lalaking ito. Kaninang tanghali ay lihim siyang pumasok sa sinasabing silid ni Haru. Naghanap ng kahit na anong larawan at nagulantang

