NAGULANTANG ang lahat. Mabilis na humarap si Nick sa kaniyang likuran kung nasaan ang nobya. Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi niya nakita ang ginawang kilos ni Cathy mula sa ikalawang palapag. Pagtingin niya sa likuran ay nakaupo na ang asawa, puno ng dugo ang mga binti at nakahilata si Chelsea sa tabi nito may tama ng baril sa likurang balikat. “Fvck!!” mariin siyang napamura. “N-Nick, si Chelsea!” nagawa pang magsalita ni Soffie sa kabila ng matinding pananakit ng tiyan. Titig na titig ito kay Chelsea na siyang tumulak kay Soffie upang hindi ito tamaan ng bala. Sa halip na ang nobya ang mababaril ay ang dalagang kapatid ni Paolo Henderson ang tinamaan. “s**t!” Lumuhod siya sa sahig at itinihaya si Chelsea. Wala na itong malay. “Dammit! Help!” Kaagad na tumalima ang mga tauhan a

