BINALIKAN ni Soffie ang anak isa sa kambal na anak na si Mauve. Binuhat niya ito at kaagad na sinundan sina Nick at Ellise. Hindi niya alam kung ano ang binabalak ng babae kung bakit kinuha ang isa sa kaniyang anak, ngunit tiyak siyang hindi iyon maganda. Ipinagpatuloy niya ang pagtakbo habang buhat-buhat ang anak. Hindi niya na rin ininda pa ang nanghihinang katawan. She’s still under in recovery process after she gave birth with her twin. Halos hindi niya na namalayan pang bumagsak na ang kaniyang mga luha. Labis-labis ang kaniyang pag-aalala sa maaring gawin ni Ellise sa panganay na anak na lalaki. Si Neve. Huminto siya sa pagtakbo nang makaramdam ng pagkahingal. Ngunit batid niyang kailangan niyang makuha ang anak mula kay Ellise kaya naman kaagad niyang ipinagpatuloy ang pagtakbo. B

