IKINALUNGKOT ni Soffie nang kinailangan nang ibalik ang kambal sa nursery room. Bumalik na rin sa mansion sina Luke at Chelsea dahil tapos na ang visiting hour ng hospital. Wala na rin naman ang tangka sa kaniyang buhay, kaya naman palagay na sila kahit sila lamang dalawa ang magkasama ngayong gabi. “How are you?” alalang tanong ni Nick inaasikaso nito ang kanilang makakain. Nanatili siyang nakahiga sa hospital bed at nagpapagaling. Marahan siyang bumangon. “Nick, naiihi ako.” Kaagad namang humarap ang nobyo. “Okay.” Tinulungan siya nitong tumayo at inihatid sa banyo. Kanina ay hindi niya naituloy ang pagbabanyo dahil sa kaniyang sugat. Nakalimutan niya ang tungkol doon kaya naman bumalik siya kaagad sa silid. Ngayon lamang niya ulit naramdaman ang pagkaihi. Pagkapasok sa loob ay tila

