PINAGMASDAN ni Ellise mula sa labas ng pintuan kung gaano kasaya sina Niick at Soffie hawak ang mga supling nito. Nakatunganga siya sa maliit na parihaba at salamin na binata ng silid. Tila nais niya lamang saktan ang sarili sa ginagawa. Hindi niya ikinatutuwa kung gaano kasaya ang dalawa habang siya naman itong nakatunganga at pinanonood lamang ang mga ito. Kahapon lamang nang madala siya sa hospital dahil sa panghihina ng kaniyang kalusugan. Ilang buwan niya na rin kasing pinababayaan ang sarili. Madalas ang pag-inom ng alak at paninigarilyo. Dito niya na lamang kasi itinuon ang lahat ng atensyon. Ilang buwan na ang nakararaan nang mabalitaan niyang nakabalik na sa Pilipinas sina Nick at Soffie, ngunit hindi na siya nakatanggap pang muli ng tawag mula kay Supremo. He even blocked her n

