SA MANSION ng mga Auki napiling manatili ni Nick at Soffie ngayong gabi. Hindi na sila pinauwi pa ng mga matatandang Auki, na siyang lolo at lola ni Mikasa. Hindi naman na tumanggi pa si Nick. Dahil hindi niya nais mapagod sa byahe ang nobya. Batid niya rin kasing pagod na ito ngayong araw. “Anong napag-usapan n’yo?” Naupo siya sa gilid ng kama kung saan nakahiga na ang nobya. Halos nakapikit na rin ang mga mata nito. Katatapos niya lamang maligo. “Sinabi niya sa ‘kin ang tungkol kay Haru.” “And who is he?” Pinunasan niya ng tuwalya ang buhok. Nagmulat ito ng mga mata at naupo. “Anak ni Auntie Cathy, siya si Supremo.” Napahinto siya sa ginagawa. Humarap siya rito. “What? You already knew who is he?” Tumango ito. “Nalaman ko ang buong kwento kanina. Si Supremo ay lalaki at anak ng tiyah

