“WE WILL go to Japan,” wika ng kapapasok lang na si Nick. Nagulat ang dalawang babaeng nag-uusap. Hindi napansin ng dalawa na kanina niya pa pinakikinggan ang mga ito. Bumalik siya sa bahay nang maalala niyang naiwan ang kaniyang cell phone at nakapatong ito sa ibabaw ng cabinet. “I will bring you back to your palace, Mikasa. It’s time to go home.” Walang nagawa si Soffie nang si Nick na mismo ang nagdesisyon. May tiwala sila sa isa’t isa at walang kahit na sino o kung ano pa man ang makasisira nito. Kaagad na inasikaso ni Nick ang kanilang pag-alis kinaumagahan. Ilang araw lamang ay lumipad sila ng bansa patungo sa Japan. Doon ay dinala sila ni Chelsea sa tahanan ng mga Auki. Kung saan malapalasyong gusali ang tumambad sa kanila. Sunod-sunod nilang nakilala ang mga Auki. Upang mapaniw

