“NICK, umuwi na tayo please...” halos magmakaawa si Soffie sa kaniyang nobyo na bumalik sila sa Pilipinas dahil sa nalaman. Nais niyang makita ang bankay ng mga kapatid at ina. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at hindi pa rin tumitigil ang kaniyang mga luha sa pagbagsak. Tila wala itong katapusan. Halos nahihirapan na siyang huminga sa paghikbi. Tanging pag-iling ang iginawad ni Nick sa kaniya bilang tugon. Ito man ay nasaktan din sa nakikita kaniyang kalagayan ngayon. Nick’s weakness was her. Kung gaano siya nasasaktan ngayon ay ganoon din ito para sa kaniya. Idagdag pang nag-aalala talaga ito sa kaniyang kalagayan lalo na at buntis siya. “Hush,” he said to calm her and hugged her again. Dinampian nito ng halik ang kaniyang noo. “Nick, please... kailangan nila ako ngayon. Mahal

