MASAYANG larawan ng isang pamilya ang nakikita ni Soffie habang dumaraan ang mga araw ng kanilang pananatili sa Malaysia. Sa pag-aasikasong ibinibigay sa kaniya ni Nick at Chelsea ay tila hindi niya kailangan pang tumayo sa kaniyang higaan, ngunit hindi niya naman gusto ang ganoon. Mas pinipili niya pa ring kumilos at asikasuhin si Nick kahit man lamang sa kanilang pagkain. Nais niyang mas matutong magluto para sa nobyo pagdating ng panahon. “Ayos ka lang, Lady Mikasa?” nag-aalalang tanong ni Chelsea na nakaupo sa kaniyang tabi at naghihiwa ng mga gulay. Humilab kasi ang kaniyang tiyan. Hindi niya alam kung bakit kaya naman napadaing siya. Tumango siya. “A-ayos lang. Naglilikot yata ang mga anak ko.” Hinimas niya ang umbok ng tiyan. Lumabas siya ng kusina at tinungo ang sala, marahan s

