MAGANDANG balita ang natanggap nina Soffie at Nick. Sa wakas ay ligtas na si Chelsea sa panganib, at dahil doon ay mas lalong tumindi ang kagustuhan ni Soffie na tapusin na ang lahat ng ito. Mas masarap pa rin mabuhay nang mapayapa at tahimik. Walang gulo o kung ano pa mang sigalot. Nais niyang mamuhay tulad ng dati. Na walang panganib na nakaabang sa kanilang buhay. She wanted to surrender everything now and bring back her old life. Ilang araw makaraan ang nangyari ay nilapitan niya ang mag-asawang Auki na siyang grandparents ni Mikasa. Sinabi niya rito ang gustong mangyari sa tulong ni Nick na siyang nagta-translate ng kaniyang mga sinasabi. It was so painful for the two aged Auki. Kung kailan naman nahanap na nila ang tunay na apo ay saka naman si Mikasa na mismo ang tila pinagtatabuy

