BUMABA si Luke ng sasakyan at pinagbuksan ng pintuan ang amo. Kaagad naman bumaba si Nick at tumuloy sa mansion upang puntahan ang nobya dahil may dalang pasalubong para rito. Samantala nang maisara naman ni Luke ang pintuan ng sasakyan ay kaagad sumunod sa loob ng bahay. Sinundan niya si Mr. Alvarez dahil may pag-uusapan pa sila nito maya-maya lamang. Nagtungo sila sa pool site at doon naabutang nag-uusap si Mikasa at ang kapatid ni Paolo na si Chelsea. Nagtatawanan ang dalawa nang lumapit sila ni Mr. Alvarez sa gawi kung nasaan ang mga ito. “Nick, nariyan na pala kayo.” Tumayo si Lady Mikasa at humalik sa nobyo. Nagawi naman ang tingin ni Luke kay Chelsea na nakatingin din sa kaniya. Hindi niya namalayang ilang segundo na silang nagtitigan. Nagising lamang siya sa katotohanan nang ng

