NAUPO si Luke sa isa sa mga upuan sa harap ng kitchen counter habang si Chelsea naman ay inilabas sa ref ang ginawa nitong chocolate cake kanina. “Hindi ko alam na marunong kang mag-bake.” Pinagmasdan niya ang ginagawa nito, ngunit mas pinagtuunan niya ng pansin ang disenyo ng cake. Bilugan lamang ito at talagang napakasimple; walang gaanong dekorasyon ngunit sa tingin pa lamang ay mukha nang masarap. “Ito kasi ang bonding naming ni Kuya Paolo noong nabubuhay pa siya.” Naghiwa si Chelsea sa cake na ginawa at inilagay sa isang platito. Iniabot nito iyon sa kaniya pagkatapos. “Tikman mo kung ayos lang. Chocolate ang ginawa ko dahil nakita kong kahiligan iyon ni Lady Mikasa habang nagbubuntis.” Tumango siya at kumuha ng tinidot. “Talagang espesyal sa ‘yo si Ms. Soffie.” “Oo, ganoon siya

