NAKANGITI si Soffie nang tuluyang makaupo sa loob ng eroplanong kanilang sasakyan paalis ng bansa. Himbis na private plane ay isang public plane ang kanilang sinakyan. Nakihalo sila sa napakaraming pasahero upang sa ganoon ay hindi sila kaagad matunton ng mga taong naghahanap sa kanila. Pagdating sa sa bansang Thailand na kanilang lalapagan ay muli silang babyahe upang lumipat sa isa pang bansa kung saan sila mananatili, sa Malaysia. Doon nila napagkasunduang manatili hanggang sa tuluyan siyang makapanganak. “Lady Mikasa, naihulog mo.” Iniabot sa kaniya ni Chelsea ang kaniyang scarf, at naupo ito sa gawing kanilang likuran. “Inaantok ako. Matutulog muna ako, siguro.” “Sige, at magpahinga ka.” Ibinalik niya sa kaniyang leeg ang scarf. Samantala, naupo naman sa kaniyang tabi si Nick mata

