SA BAWAT araw na lumilipas. Ang puso ko ay nasa kaniya pa rin. Walang nagbago. Si Nick at si Nick pa rin ang tinitibok nito hanggang sa mga sandaling ito. My heart only belongs to him, and his heart only belongs to me. Hindi na namin nais pang magsayang ng oras kaya naman pagkaraan lamang ng ilang buwang preperasyon matapos niyang mag-propose sa akin, heto kami ngayon... we are about to get married and soon to open a new path for new journeys. Hindi biro ang pag-aasawa, kailangan mo itong pag-isipan nang paulit-ulit, pagplanuhang mabuti bago subukang pasukin. Ilang ulit ko nang tinanong ang sarili ko, and my answer still the same. I want him, not just to be the father of my children but also my husband. Tila sasabog ang aking dibdib dahil sa matinding kaba at excitement na nararamdaman k

