MARAHANG nagmulat ng kaniyang mga mata si Mikasa nang makaramdam ng lamig. Sa pagmulat ng mga mata ay wala siyang kahit na anong naaninag. Madilim ang buong paligid at malamig ang kung ano man na kaniyang kinahihigaan. “Nick?” ang nobyo ang kaagad niyang tinawag. Marahan siyang bumangon at kinapa ang paligid. Tanging ang malamig na sahig lamang ang kaniyang nararamdaman. “Nakatulog ba ako sa sala?” takhang tanong niya sa sarili. Kinapa niya ang kaniyang gilid-gilid. She’s seeking for the furnitures inside the living room. Ngunit wala siyang kahit na anong makapa na gamit. “Nick?!” Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala at takot. Kahit naman patay ang ilaw sa bahay, may naaninag pa rin naman siya noon, ngunit ngayon ay talagang wala. Tiyak siyang wala siya sa kanilang bahay. Wala rin siyang

