“AALIS ka ulit? Sabi mo maaga uwi mo kasi may okasyon ngayon?” Kumunot ang noo ni Mikasa nang mapansin niyang nakabihis pang-alis ang kaniyang nobyo. Ang buong akala niya ay wala na itong ibang pupuntahan ngayong araw, at nais nitong magpahinga sa bahay kaya naman umuwi nang maaga. “Ano nga ulit meron ngayon?” takhang tanong niya at muling nag-isip na maaring okasyon ngayong araw. Nick shook his head. “No, I forgot it is next month and not today.” He chuckled to make his lies more convincing. “Tumawag si Luke, may kailangan lang kaming puntahan.” Ngumiti ito at lumapit sa kaniya, mabilis na humalik sa labi at yumakap. “Okay, pero saan naman kayo n’yan?” Hindi niya alam kung bakit niya iyon naitanong. Hindi naman niya ito hilig itanong sa nobyo dahil tila pinagdududahan niya lamang ito.

