NAUPO si Mikasa sa damuhan at pinagmasdan ang apat na puntod. Nakahilera ang mga ito sa iisang malawak na lupain na kaniyang nabili sa pangalan ni Mikasa Auki. Tuluyan niyang nabawi ang lahat ng kayamanan ng dapat ay sa kaniyang talaga. Hindi naman na umapila pa si Alexander. Nakita niya naman sa lalaki ang kasiyahan, ngayong natagpuan na nito ang tunay na kayamanan sa piling ng ina. Ang apat na puntod ay siyang kinalilibingan ng kaniyang yumaong pamilya. Ang mag-asawang Santameta at ang dalawa nitong mga anak na sina Sally at Solome. Ikinatutuwa niyang sa wakas ay nabigyan niya nang magandang libingan ang kaniyang buong pamilya, kahit na ito lamang ang bagay na kaniyang nagawa. Ngayon pang wala na ang nga ito. Hindi na makikita ang kaniyang narating, lalong-lalo na ang ama. Ipinagtabi-tab

