HINDI pa rin maiwasan ni Soffie na hindi mag-alala para kay Nick ngayong nalaman niyang may sugat ito, gawa ng bala ng baril. Hindi niya lubos maisip kung paanong nagagawa pa rin maging kalmado ng nobyo pagkatapos nitong magkasugat nang ganoon. If she was in his situation, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin at maramdaman. She’s actually curious of how come he had been that brave and strong man. Tila wala na itong ibang kinatatakutan. Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang linggo makalipas nang maghilom ang sugat ni Nick, subalit hindi pa tuluyan. Lumala ang nararamdaman niyang pagsusuka sa umaga at hindi magandang pakiramdam sa araw-araw. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili, tila ba may kung anong iba sa kaniya. Inilihim niya ito kay Nick, ngunit lingid sa kaniyang k

