BATID ni Soffie na sumama ang loob ni Nick sa kanilang naging pag-uusap. Hanggang sa sumakay siya sa sasakyan at magmaneho paalis ay hindi ito nagsasalita. Samantala ang kanilang mga bodyguards ay nakasunod ang mga sasakyan sa kanilang likuran. Isinandal niya ang likuran sa backrest at ang ulo naman ay sa salamin ng binata. “Don’t lean there it’s hot,” wika ni Nick na napansin ang kaniyang ginawa. Mainit ang araw at nakatutok ito sa kaniyang gawi kaya naman nag-aalala ang nobyo para sa kaniya. Kahit bahagya itong nadismaya sa kanilang pag-uusap sa kaniya ay hindi pa rin maiwasan ang mag-alala para sa kaniya. Diretso siyang naupo. “Nick, galit ka ba?” Tumingn siya rito. Hindi ito sumagot at nanatili sa kalsada ang tuon. Bumigat ang kaniyang kalooban at bahagyang naluha nang ganoon kab

