HUMINGA nang malalim si Ellise nang tuluyang huminto sa opisina ni Nick. May dala-dala siyang paper bag, at naglalaman ito ng kaniyang mga inilutong pagkain. Naroon ang sinigang, creamy pasta at ilan pang putahe na batid niyang gusto ng lalaki, gaya ng sinabi sa kaniya ng tiyuhin, at siyang ama-amahan ni Nick. Maigi na lamang at maraming alam ang kaniyang uncle patungkol sa gustong lalaki kaya naman nagkakaroon siya ng impormasyon kung paano makukuha ang lalaki o kung paano mapapalapit dito. Nag-ipon siya ng lakas ng loob upang katukin ang pintuan ng silid nito. “Nick?” she called his name and knocked on the door twice. Sa loob naman ng silid ay kumunot ang noo ni Nick. Abala ito sa napakaraming trabaho. Hindi pa nga tapos sa isa ay mayroon nanamang dinala ang sekretarya nito. Kaagad s

