Dahan-dahan ang ginawang paghakbang ni Diana palapit kina Rafael at Alex. Waring biglang bumigat ang mga paa niya sanhi para maging mabagal ang paglakad niya palapit sa mga ito. Tapos na siyang kausapin ni Mr. Certeza at balak na sanang bumalik sa kinaroroonan ni Rafael nang hindi sinasadyang marinig niya ang mga sinabi ni Alex na naging dahilan para umahon ang labis na pagkalito sa kanyang dibdib. "D-Diana..." nauutal na sambit ni Alex pagkakita sa kanya. "A-Ano ang ibig sabihin ng mga sinabi mo, Tito Alex?" tanong niya ulit kasabay ng pagtayo sa tabi ni Rafael. "Hindi ko gustong malaman mo sa ganitong paraan, hija," naninimbang na tugon nito. "But I guess, there's no easy way to say it. Alam kong sa ano mang paraan ay hindi magiging madali ang pagsasabi sa iyo ng totoo." "A-Anong tot