Marahang iminulat ni Diana ang kanyang mga mata nang magising siya kinaumagahan. Agad pa siyang napabaling sa bintana ng kanyang silid at napansing maliwanag na sa labas. Tapos na ang gabi pero hindi niya sigurado kung tapos na rin ba ang mga problemang mayroon siya. Mariin siyang napalunok nang maalala ang mga nangyari kagabi. Halos maharap na siya sa kamatayan dahil kay Bernadette. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya pa rin lubos na mapaniwalaang ito nga ang naghahangad ng masama sa kanya. Ang taong buong akala niya ay kaibigan ng kanyang ina ay may lihim pa lang galit sa kanila. And she was so stupid not to realize it. Labis niyang hinangaan si Bernadette dahilan para hindi na niya mapansin ang mga kasamaang ginawa nito. And of course, there's Alex... Diana closed her eyes t