"Ma'am Diana..." sambit ng isa sa pinakamatagal na nilang kasambahay, si Manang Remedios. Elementarya pa lamang siya ay namamasukan na ito sa bahay na iyon ng mga Baltazar. Sinalubong nga siya nito nang makita ang pagdating niya. "G-Good morning, Manang," bati niya sa mahinang tinig sabay gala ng kanyang mga mata sa kabuuan ng sala ng bahay kung saan siya lumaki. Nasa bahay siya ng kanyang mga magulang... ang bahay kung saan inakala niyang perpektong pamilya ang nakatira. Ni hindi sumagi sa isipan niyang balot ng maraming lihim pala ang mga magulang na kinalakihan niya. "Kumusta na ho kayo, Ma'am?" puno ng pag-aalalang tanong sa kanya ng matandang kasambahay. "N-Nabalitaan ho namin ang nangyari. Kumusta ho kayo?" "Getting better, Manang," tipid niyang sagot. Sadyang iniwasan niya ang p