Agad na napasigaw si Diana nang maramdaman niya ang mahigpit na paghawak sa kanyang kanang braso. Isang kamay ang basta na lamang humatak sa kanya at hindi niya nga naiwasang makadama ng sakit dahil sa mariing pagkakadaiti ng mga daliri nito sa kanyang balat. Dahilan iyon para mabitiwan niya ang kanyang cell phone at malakas na bumagsak sa sahig. "W-Who are you?!" nahihintakutan niyang tanong kasabay ng pagpupumiglas at pagbawi sa kanyang brasong hawak nito. Isang lalaki ang may hawak sa kanya. Diana was so sure of that. Dahil sa paghaltak nito sa kanya ay hindi maiwasang madikit siya sa malaki nitong pangangatawan. Maging ang kamay na nakahawak sa kanyang braso ay kamay ng isang lalaki. Nasisiguro niya iyon. "Bitiwan mo ako!" halos natataranta na niyang sabi nang hindi man lang nagsali