Tuloy-tuloy na naglakad papasok sa kanyang opisina si Diana. Agad siyang lumapit sa kanyang executive desk at halos pabagsak na inilapag doon ang kanyang clutch bag. Napabuntonghininga pa siya bago humarap kay Rafael na noon ay nakasunod sa kanya sa paglalakad. Isinasara pa nito ang pinto nang agad nang magtanong sa kanya. "Ano ang napag-usapan ninyo ng Tito Alex mo?" usisa nito. "As expected, he's against with the idea that you are my boyfriend," sagot niya rito. "And?" susog pa nito. "What exactly did he say?" Naupo muna si Diana sa kanyang swivel chair. Matapos nga siyang kausapin ni Alex ay bumalik sila si Rafael sa loob ng function hall kung saan ginaganap ang anniversary party ng AAC. Nanatili pa muna sila roon ng ilang saglit bago niya inaya si Rafael sa kanyang opisina upang ma