Agad na napalingon si Rafael sa dalawang taong magkapanabay na tumayo nang marinig ang mga sinabi ni Diana--- sina Alex at Bernadette. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang mga ito na ngayon ay kapwa nagpapakita ng pagkabigla. Ni hindi pa naitago ng mga ito ang disgustong ekspresyon matapos banggitin ni Diana na 'kasintahan' siya nito. "You heard me, Tita," narinig niyang pagpapatuloy ni Diana sa pagsasalita. Sadyang nilakipan pa nito ng galak ang tinig na wari ba ay totoong masaya sa kanilang 'relasyon'. "I was... filled with so much sorrow since Mama died, but when I met him..." She stopped for a while and stared at him. Kung sa ibang pagkakataon ay iisipin niyang totoo sa loob ng dalaga ang mga binibitiwan nitong salita. Ni walang bakas sa mukha nitong nagkukunwari lamang sila. She could