Mas tumindi pa ang pag-iyak ni Diana nang mahigpit siyang yakapin ni Rafael. Agad niyang naisubsob ang kanyang mukha sa matipuno nitong dibdib at doon ay tuluyang pinakawalan ang mga luhang pakiramdam niya ay hindi na maubos-ubos. Mula nang matuklasan niya ang lahat-lahat, wala na siyang ginawa kundi ang halos umiyak gabi-gabi. At heto na naman siya. Ngayong nakaharap niya ulit si Rafael ay parang sumabog ang dibdib niya at wala siyang ibang nais kundi ang pakawalan ang mga emosyong matagal nang nagpapabigat sa kanya. And it was something that she couldn't explain. Nakausap niya na si Kyrene pero hindi niya man lang nagawang ibuhos dito ang nadarama niya... ang sakit na nasa dibdib niya... ang mga kahinaan niya. Just like to everyone else, Diana didn't want for them to see her breakdown.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books