Matuling lumipas ang ilang linggo. Sa loob ng mga araw na dumaan ay naging abala si Diana sa ilang gawain sa kanilang kompanya. Bilang siya na ang namamahala sa AAC ay hindi maiiwasang matambakan siya ng maraming trabaho. Pero sa kabila ng pagiging abala ay siniguro niya pa ring makalalaan siya ng oras para sa pinaplano nila ni Rafael. Rafael agreed to what she wanted. Ang gusto niya lang naman ay magkunwari silang magkasintahan. Gusto niyang ipaalam sa mga kakilala niya na may nobyo siya at nagbabalak nang magpakasal. Buo kasi ang loob niyang si Alex ang nagtatangka sa buhay niya. Ito lang naman ang nakikita niyang may motibong gawin iyon. Kung sakali nga namang may mangyaring masama sa kanya ay hindi ito mahihirapang angkinin ang bahay at ilang ari-ariang naiwan ng kanyang ina. At doon