Marahang hinahalo-halo ni Rafael ang kapeng katitimpla niya lamang. Sa tasa nakatitig ang kanyang mga mata ngunit wala talaga roon ang kanyang atensiyon. Hanggang nang mga sandaling iyon kasi ay laman pa rin ng isipan niya ang inialok ni Diana kanina. Hindi niya pa maiwasang mapailing kasabay ng paghinto niya sa paghahalo ng kape. Inilapag niya muna sa may lababo ang kutsaritang ginamit at dala ang tasa ay naglakad na siya patungo sa may sala. Ilang hakbang lang iyon mula sa may lababo at naroon nga ang sofa kung saan siya natutulog mula nang manuluyan siya sa apartment ni Diana. Nakauwi na nga sila ng dalaga. Nang tingnan niya ang oras kanina ay pasado alas-onse na ng gabi. Kanina pa tulog si Diana at katunayan ay patay na ang mga ilaw sa loob ng apartment nito. Tanging ang malamlam na