Hindi nakahuma si Diana sa kanyang kinauupuan at mataman na lamang na napatitig sa kamay ni Rafael na hanggang sa mga sandaling iyon ay mahigpit na nakahawak sa kanya. Dama niya pa ang maya't mayang pagpisil ng binata sa kanyang kamay na wari bang paraan nito para pakalmahin siya. Diana swallowed hard. Agad niyang hinila ang kanyang kamay dahilan para mabitiwan iyon ng binata. Napalingon pa sa kanya si Rafael at alam niyang nakita nito ang pagkailang na nakarehistro sa kanyang mukha. Nag-iwas siya ng kanyang paningin at mas piniling yumuko sa kanyang cell phone na nasa ibabaw ng mesa. "Relax, Diana. Namumutla ka," wika ni Rafael sa tinig na kababakasan ng pag-aalala. "How can I relax, Rafael?" she said. Her voice was laced with frustration. "H-Hindi ko gusto ang ganito. I-I... I just wa